Tuesday, February 19, 2013

Addik


Addik

by Mardie Sindayen on Thursday, 8 September 2011 at 10:47 ·
Sa tuwing umaaligid
itong mapang-akit mong halimuyak
ay hinahangad ka,
nitong mapagnasa kong mga labi.

Hinahanap kang muli, 
ng nangungulila kong mga kamay
at pagkuwa'y kumakapa...

At sakaling di ka mayapos, 
ay nababaliw itong mga bigong daliri.
Balahibo'y tumitindig.
at bigla'y nanginginig.

Sumisirit sa utak
ang dulot mong
ilang bugang ligaya.

Ang hirap talaga.
Pag nauubusan
ng sigarilyo sa bulsa.

Hayop na may pakpak pero madalang lumipad

Author: Mardie Sindayen


Hayop na may pakpak pero madalang lumipad

“CHICKEN LANG ‘YON!”
Isa ‘yon sa pinakamadalas kong marinig noong grade six tungkol sa kung anu-anong bagay, tulad ng quarterly exam sa Christian Living, o sa pagtakas palabas ng campus kapag lunch, o sa crush ko pag dating sa basketballpingpong, badminton, mataya-taya, agawan base at langit-lupa.
Hindi ko naiintindihan noon kung bakit manok ang ginagamit nilang simbolo ng kahinaan o ng pagiging madaling labanan ng isang bagay.
Inisip ko na lang noon na hindi rin ‘yon naiintindihan ng mga mayayaman kong kaklase dahil malamang hindi pa sila nakalapit sa buhay na manok. At di gaya nila, iniisip kong matatapang ang mga manok tulad ng alagang pansabong ni Tatay.
Lumaki akong takot sa manok dahil sa mga alaga ni Tatay. Simula nang unang beses na lumapit ako sa kulungan ng mga pansabong ni Tatay noong maliit pa lang ako at tinuka ako ng paulit-ulit ng isa sa mga ‘yon hangga’t sa umiyak ako at kunin ni Nanay, nag-iba na ang tingin ko sa mga hayop na may pakpak pero madalang lumipad.
Matagal bago naghilom ang mga sugat ng mga kamay kong nabalatan ng tuka ng manok at, sa mahabang panahon, napapanaginipan ko gabi-gabi ang muling pagdamba ng pansabong ni Tatay. Malinaw sa aking panaginip ang pagtuka niyon sa aking mga sugat, ang pagsirit ng dugo, ang pag-iyak ko at ang hapdi ng alkohol na pinanggamot ni Nanay.
Nag-iwan ang mga sugat na iyon ng maliliit na peklat sa kamay ko na sabi ni Nanay ay malamang daw na hindi na mawala.
Kahit na hindi na ako lumalapit sa mga manok sa takot na maulit ang nagawang pang-aapi sa akin, hindi noon nahinto ang pagkahilig ko sa kahit anumang luto sa hayop na ‘yon. Kahit sa bahay o sa ibang kainan, mapa-inihaw, adobo, afritada, tinola, pininyahan, pinirito o anupaman, kahit minsan hindi pa gaanong luto at mayroon pang konting katas ng dugo, hindi ko inuurungan ang pagkain sa manok. Siguro, ‘yon na rin ang simpleng ganti ko sa angkan nila para sa isa sa pinakamapait kong karanasan.
Dahil sa pagkahilig kong ‘yon, yinaya ko noon ang Tatay na kumain sa isang mamahaling kainan na naikwento ng mga kaklase ko ng naghahain ng pinakamasasarap na inihaw na manok na may kasamang masarap na sawsawang gawa sa dinurog na atay ng baboy at hindi ng nakasanayang pulang sawsawan na gawa sa saging o kamatis. Hindi pumayag ang Tatay sa hiling kong ‘yon pero nangako siyang kung magiging Top One ako sa klase tulad ng Ate ay matitikman ko ang pinakamasarap na manok na hiling ko.
Dala ng pangakong ‘yon, lihim akong nagpursigi sa pag-aaral. Kahit na alam kong nahirapang maging Top One si Ate na siyang paborito ni Tatay at pinagmamalaking pinakamatalino sa pamilya, hindi ako sumuko. Isa pa, konting puntos lang naman ang lamang sa akin ng Top Onenamin sa klase kaya malaki ang pag-asa ko sa tagumpay.
Kaya habang masayang pinanonood ang pagkabawas ng mga tandang sa aming bakuran dahil sa pagdadala ng pansabong ni Tatay tuwing Linggo at pag-uwi nang hindi kasama ang dinalang manok, nahagkan ko ang aking abot-kamay na tagumpay para sa inaasam na katuparan ng pangako ni Tatay.
Ngunit ilang Linggo ang lumipas pagkatapos kong ipaalam sa buong pamilya ang tungkol sa tagumpay ko, wala pa ring katuparan ang pangako ni Tatay. Kaya malungkot kong sinabi kay Nanay ang tuwirang pag-asa ko sa pangakong ‘yon.
Kaya sa Linggong dumating pagkatapos na kong magtapat, pinaghanda ako ni Nanay para magpunta sa kainang pinapangarap ko. Gagamitin daw namin ang kita ni Nanay mula sa ilang Linggong pagtitinda ng cosmetics sa mga kapitbahay na ipapasisingil niya kay Tatay pagkagaling nito sa palaruan ng mga tandang.
Handang-handa na akong umalis pagdating ni Tatay pero hindi siya handang pumunta sa kainan. Hawak niya ang isa sa mga dumudugong pakpak ng paborito niyang tandang.
Mag-uusap daw muna sila ni Nanay.
Mula sa kwarto naming magkapatid, narinig ko ang pagtatalo nina Nanay at Tatay. Itinaya ni Tatay ang perang pangkain sana namin para sa ngayo’y patay na niyang tandang na si Sure Win. Hindi niya daw kasi akalaing mananalo ang manok ng kabila. Mahinang klase daw kasi ‘yon, himala lang daw ‘yong nakaligtas mula sa laban ilang Linggo lang ang nakalipas. Dagdag pa niya, hindi naman daw siya tumataya sa isang sugal na hindi siya kampanteng hindi siya ang maglalabas ng pera. Minalas lang daw siya.
Nang tanungin ni Nanay ang pangako ni Tatay sa akin, noon ko naintindihan kung bakit nabalam ang katuparan ng pangako niya. Inakala niyang tulad lang ako ng manok ng kalaban.
Hindi kami non natuloy sa kainang ‘yon. Pero sa unang sweldo ko nang ako’y simulang magtrabaho pagkatapos ng kolehiyo at tuwing ilalabas ko ang buong pamilya, sa kainang ‘yon ko sila palagi dinadala kung saan tinititigan ko si Tatay ng isa sa mga titig kong nasabi niyang ‘tagos sa buto.’
Naging isa ‘yon sa mga paborito kong kainan pero lagi namang nirereklamo ni Tatay na mahirap nguyain ang hinahaing ulam ng kainan.
“Chicken lang ‘yan,” sagot ko naman.
‘Yon na lang ang simpleng ganti ko sa nagawang pang-aapi sa akin at para sa isa sa pinakamapapait kong karanasan. 

You Can Call Me Liar



You Can Call Me Liar 

by Mardie Sindayen on Friday, 29 July 2011 at 02:40 ·
If it will make you smile, I will say it.
If it's not true, I will lie.
If I don't mean it, I will pretend.

You can call me liar.
Yet still, fact is:
Your smile means more to me,
than the truth.

Looking for Sunset


Looking for Sunset

by Mardie Sindayen on Saturday, 3 November 2012 at 19:31 ·
He will end the day
And collapse the world into an oblivion of darkness.

And he will force me to say goodbye to the light, 
As he makes the skies bleed in streaks of red.

Yet, no matter how painful the parting is, 

He is the reason why my stars shine,
And he is the one who makes the day complete.

The Will to Say Goodbye


The Will to Say Goodbye

by Mardie Sindayen on Tuesday, 22 November 2011 at 11:54 ·
I didn't know how hard it is to say goodbye until today.
I didn't know how hard it is to walk away.

It takes courage.
It takes decisiveness;
to say goobye and not have regrets,
to say goodbye and not have questions on "what might have been."
to be sure that saying goodbye is the best option.

It takes strength and will
to go past the memories
and look at what's in the present
and what may be in the future
and remember that the decision should lie in the present and future
and not in the past.

It takes faith
a faith in the universe
that you are destined to be in a much better position than this
so that you can let go of the things that you believe you don't deserve.

It takes guts
to hurt someone
for your good and theirs
and to answer firmly that you are done thinking it over.

It takes kindness
to say goodbye in the least hurtful way
to say the least hurtful words
to explain in the least hurtful manner
the things that hurt you the most.

It takes patience
to find the time 
when you can tell them directly 
that you are actually saying goodbye.

A Tolerance For Pain



A Tolerance For Pain

You threw your life away and I was eager to catch you.

I accepted you with all your insecurities.
I endured your defense mechanisms.
I submitted to the authority you wished to claim.

I enveloped you with an affection that feared no judgment from anyone.

I embraced the oblivious future with you
just to realize that you were not offering it anyway.

And today, I look at you and see the only possession I cannot claim.
I look at you and see that my dream was beneath my worth.

I grit my teeth, clasp my hands and take a deep breath
to relieve myself the compulsion of showing you the smile that tells how much I care.

I look away but I stand hearing your voice.
I keep my eyes dry while I listen to a sad song and reminisce memories of you.

Now, how can you say that I do not have a tolerance for pain?

Makasama ka lang


Kuripot ako.
Hindi ako mahilig sa mahal na kape,
o sa mahigit isandaang pisong pagkain,
o sa sine,
o sa yosi,
o sa beer...

Kasi hindi ko yan ginagawa nang mag-isa.
Willing lang ako gumastos kapag kasama ka. :)

Tamad ako.
Ayokong bumangon pag wala akong pasok, 
ayokong umalis sa harap ng computer,
ayokong maglakad para mag-window shopping.

Hindi ko yan ginagawa nang mag-isa. 
Gusto ko lang gumalaw kapag kasama ka. 

Tanga ako.
Hindi ako yung tipong gumagawa ng plano sa buhay, 
o nangangarap,
o naghahanap ng paraan.

Hindi ko yan ginagawa nang mag-isa. 
Nag-iisip lang ako kapag kasama ka. 






"Bakit mukhang di ka ok?"

Mali magtanong na "Ok ka lang ba?" Kasi parang binibigyan mo lang ng pagkakataon yung tinatanong mo na magsinungaling sa yo... Kasi kung mukha namang walang problema, bakit ka magtatanong.

So, mula ngayon... "Bakit mukhang di ka ok?"

Monday, February 18, 2013

Alis na ko.

Kung makapagpaalam, akala mo mamamatay na.

Pero sana nga.

Sana nga mamatay na ko. Gustong-gusto ko nang mamatay. Pagod na pagod na ako sa buhay.

Hindi na ako sasaya. Tingin ko, wala nang pag-asa.

Nagpapasalamat ako na nakilala ko yung mga taong gusto akong kasama at gusto kong kasama. Sa tingin ko, mapupuno na naman ang simbahan sa burol ko ng mga taong totoong malulungkot pag nawala ako.

Tama na yon sa akin. Sakto na ko don. Pwede na akong mamatay.

Pagod na ko.

Saturday, February 16, 2013

Glory of interest

What glory is there in knowing the things that society believes is crucial
over knowing the things that your are interested in?

I'd rather be perceived an idiot - yet happy with the knowledge that I have
than be perceived knowledgeable - yet an idiot with the happiness that I wished.

Sana Hindi Na Sumikat Ang Araw


Thursday, 6 August 2009
Bukas, di na kita mahal.

Bukas,
itatapon kong lahat
ng naipon kong pagtingin.

Bukas,
kakalimutan kong lahat
tungkol sa yo
- na araw-araw kong inaalala.

Bukas,
mawawala na
ang lahat
ng mga panahong
binabalik-balikan ko.

Bukas,
hindi na ako maghihintay.




Kaya't magpupuyat ako ngayon
at sana...
makahabol ka
bago dumating ang bukas.

Thursday, February 14, 2013

Release Heart. Step Back.


*This for my perfect wrong guy.



Release Heart. Step Back.
by Mardie Sindayen|Sep 24, 2012


Maybe,
in a parallel universe, 
you may be the love of my life.

But it is too late in this universe now.

I need you to take a step back, 
to value truth, justice and righteousness.

To stay away from you 
may be among the biggest heartbreaks of my life
because I feel that we may have been right.

But time is not in its proper order, 
and we met at the moment when love is forbidden.

So please, 
allow me to become the person 
that my spirit wants to remain.

Because although I yearn to be with you, 
I would rather be lonely 
than ruin the many other lives 
whose happiness depend on our being apart.

Valentine's Day


He asked for a reason and I gave him the best response I can think of: the truth.

He did not respond after that. I focused so that my ears may hear the beep of my phone amidst the rambling of traffic outside my aparment building. The silence was deafening.

The moment passed and,  I figured, I won't be getting a response.

Guilt set in. And I scrambled to appeal to reason with the words "I need you to understand." which was almost, yet somehow not, an apology.

But the moment for a response was long gone. I said my goodbye, and the silence was his.